25
ABANTE pinoy pornhub average time increase

Mga Pinoy, nangunguna sa pinakamaraming oras sa Pornhub

Sharing is caring!

Sa ikaapat na sunod na taon, ang mga Pinoy pa rin ang nangungunang bansa sa mundo na naglalaan ng mahabang oras sa Pornhub.

Sa datos ng Pornhub, ang mga Pinoy ay may average na 13 minuto at 28 segundo sa panonood ng porn sites. Ito ay 43 segundong increase sa naunang survey.

Ang average visiting time ng mga Pinoy ay mas mataas ng 3 1/2 sa global average na 9 minutes and 59 seconds.

Ang ibang bansa na may higher-than-the-global-average visiting time ay South Africa, USA, Canada, Argentina, the United Kingdom, at France.

Ang datos ng report ay kinuha mula sa 28.5 billion site visits noong 2017 kung saan may 81 milyong daily average visits worldwide.

Ang top traffic sources ay USA, UK, India, Japan, at Canada.

Nagsimulang maglathala ng data ang Pornhub sa average time ng bawat bansa noong 2014.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?