63
Mga Pinoy namamatay sa pag-delay ni Gordon sa sin tax deliberation – Bawas Bisyo
By

Mga Pinoy namamatay sa pag-delay ni Gordon sa sin tax deliberation – Bawas Bisyo

Binanatan ng sin tax advocate group na Bawas Bisyo ang pag-delay umano ni Senador Dick Gordon sa deliberation ng sin tax law na naglalayong pataasin ang buwis sa mga sigarilyo kada taon.

Ayon sa post ng Bawas Bisyo, nasa 12 Pinoy ang namamatay kada oras kaugnay ng tobacco use, at hinimok si Gordon na ‘wag nang makialam sa pagpasa ng sin tax dahil makatutulong ito sa kalusugan ng mga kababayan.

“12 Filipinos die from tobacco-related diseases per hour. Therefore, your grandstanding yesterday during the plenary just cost the lives of 12 of our countrymen. For every hour you delay the deliberations, twelve more will die. We hope that you will be mindful of that,” ayon sa grupo.

“ONE HOUR AND FOUR MINUTES. That’s how long it took you to interpellate yesterday. You claim that you’re not against Sin Tax Amendments, but your interpellation yesterday delayed the proceedings and would lead others to think otherwise,” saad pa.

Ayon sa Tobacco Atlas (2009), nasa 10 Pinoy ang namamatay sa paggamit ng tobacco kada oras.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?