171

Apr 11, 2021 @ 16:57
By

Mga Pinoy nalito na! Ano nga ulit ‘yung MECQ?

Tila limot na ng mga Pinoy kung anong mga protocol ang dapat sundin sa pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at pito pang lugar sa bansa.

Sa tweet ni Janine Gutierrez, napatanong ang aktres kung ano ba ang naturang quarantine status.

Ilang Pinoy din ang naguluhan na sa pagbabalik sa MECQ ng NCR at mga kalapit na lugar.

Sa omnibus guideline na inilabas ng Inter-Agency Task Force noong April 3, nakasaad ang mga protocol na dapat sundin kapag nasa MECQ ang isang lugar.

Kabilang dito ang striktong home quarantine para sa lahat, kung saan ang mga tanging pinapayagan lang makabiyahe ay ang mga nagtatrabaho at lalabas para sa essential goods at services.

Ang mga negosyo naman na hindi pinapayagan noong ECQ ay puwede na mag-operate sa MECQ, ngunit 50 percent lamang ng on-site capacity ang pinapahintulutan.

Pinagbabawal din ang mass gathering, habang ang religious gathering naman ay puwede sa limitadong 10 percent capacity ng establisimiyento.

Pinapayagan naman ang ang kahit anong uri ng transportasyon, ngunit hinihimok ang publiko sa mga active transportation tulad ng pagbibisikleta.

Maaari naman ang mag-ehersisyo tulad ng pagtakbo, jogging at paglalakad basta’t nasa loob ng kinabibilangang barangay, subdivision o purok.

Sa naging online briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi nito na sa Lunes, April 12, ay pag-uusapan kung ano pa ang mga ilalatag na protocol sa mga lugar na sinailalim sa MECQ.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?