146

By

Mga Pinoy nagpinta ng mural nina Kobe, Gigi sa Taguig basketball court

Bumuhos ang tribute para sa mag-amang Kobe at Gigi Bryant sa pagpanaw ng dalawa sa helicopter crash na gumimbal sa buong basketball community.

Sa buong 20-year NBA career ni Kobe, ilang beses din itong nakapunta sa Pilipinas kaya napamahal na ito sa mga Pinoy fan.

Sa Tenement sa Taguig, nagkaisa ang mga Pinoy visual artist para sa isang mural nina Kobe at Gigi.

Makikita sa mural na magkaharap ang mag-ama na hango sa larawan nilang dalawa noong NBA All-Star game.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?