56

Mar 11, 2020 @ 21:11
By

Mga Pinoy na tinamaan ng coronavirus sa abroad, umabot sa 96

Naglabas ang Department of Health ng updated list ng mga Pilipino sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19.

Batay sa listahan as of March 10, 2020, may pinakamaraming kasong naitala sa naka-quarantine sa Japan na Diamond Princess cruise ship na 80 katao.

Sa 80, 18 dito ang naka-isolate pa habang 62 na ang na-discharge at nakarekober.

Sinundan ito ng M/V Grand Princess sa Amerika kung saan anim na Pinoy ang infected ng virus doon.

Sumunod ang Hong Kong na nagtala ng apat na Pilipinong may virus, isa ay nakarekober na.

May tig-dalawa naman sa UAE at Singapore, na may tig-isa na ring nakarekober na Pilipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?