46
martin-andanar
By

Mga Pinoy, may 4 dahilan para masayang ipagdiwang ang Pasko – Andanar

May magandang dahilan para sabihing masaya ang Pasko ng mga Filipino ngayong 2018.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na apat ang dahilan para masayang ipagdiwang ang Pasko ngayong taon.

Una aniya ay naibalik na ang Balangiga bells na nasa poder ng mga Amerikano sa loob ng 117 taon, ikalawa  bumaba ang inflation na nagpasakit sa ulo ng maraming Pinoy.

Ikatlo, ayon kay Andanar, ay naiuwi ni Catriona Gray ang korona ng Miss Universe at pang-apat ay wala na ang Pilipinas sa listahan ng mga “deadliest countries for journalists”.

Ang mga bagay na ito, ayon kay Andanar, ay ipinagpapasalamat ng Malacañang dahil sa kabila ng mga hinarap na pagsubok ng bansa ay may magandang mga balita sa pagtatapos ng taon.

“These makes our Christmas more merry. Number one, naisauli ang Balangiga bells, number two, bumaba ‘yung inflation, number three, naiuwi ni Catriona Gray iyong Miss Universe at ngayon naman, pang-apat, eh wala na tayo sa listahan doon sa Reporters Without Boarders, ng mga deadliest countries for journalist,” ani Andanar.

Sinabi ni Andanar na umaasa ang Palasyo na magiging maganda ang pasok ng bagong taon para sa mga Filipino para sa tuloy-tuloy na pagbabago sa bansa. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?