16

Sep 10, 2021 @ 17:05
By

Mga Pinoy mahilig sumubo ng shanghai

Pambansang pagkain na nga ba ng mga Pinoy ang lumpiang shanghai?

Sa inilabas na ranking ng website na TasteAtlas kung saan niranggo ang mga pagkaing Pinoy ng mga food enthusiast, nakatanggap ng grado na 4.9 out of 5 ang lumpiang shanghai.

Kaya’t kung pagbabatayan ang resulta nito, ang nasabing pagkain ang best Filipino food sa ngayon.

Sa nasabing ranking, sinundan ito ng sinigang (4.8) at tocino (4.7).

Ang tatlong pagkaing nakakuha ng lagpas 4.5 na grado ay niranggo ng TasteAtlas bilang ‘best.’

Samantala, ang nakakuha ng gradong ‘great’ o mas mataas sa 4.0 ay sisig (4.4), adobo (4.3) at lechon (4.2).

‘Ok’ o lagpas 3.5 naman ang rating na nakuha ng daing (3.8), pinangat (3.6) at torta (3.6).

Sa kabilang dako, tinanghal na ‘worst’ na nakakuha ng rating na mas mababa sa 3.5 ang balut (2.6), dinuguan (3.30 at pinipig (3.3).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?