8
dfa
By

Mga Pinoy ligtas sa pagsabog sa Paris – DFA

Sharing is caring!

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino na nadamay sa pagsabog sa isang bakery sa Paris, France noong Sabado.

Ayon kay Foreign Affairs Asec. Elmer Cato inabisuhan na ng French Ministry of Foreign Affairs ang Philippine Embassy sa Paris na walang Pilipino sa tatlong nasawi at higit 50 nasugatan sa insidente.

Base sa mga ulat, ang pagsabog sa isang bakery sa Rue de Trevise ay pinaniniwalaang nag-ugat sa gas leak.

Dalawa sa tatlong nasawi ay bumbero at kabilang sa 200 rumesponde para agapan ang pagkalat ng apoy.

Nabatid na may 25,000 Pilipino sa France at karamihan ay nasa Paris.

Samantala, nagpahatid na ng mensahe ng pakikiramay si Chargé d’Affaires Aileen Mendiola sa mga naulila ng tatlong nasawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?