32

Jan 2, 2021 @ 20:23
By

Mga Pinoy libre bakuna kontra COVID-19 sa Bahrain, Saudi

Hinikayat ng ilang opisyal ng gobyerno ang mga overseas Filipino workers (OFW) na mag-avail sa libreng bakuna laban sa coronavirus disease ng gobyerno ng Bahrain at Saudi Arabia.

Kabilang sa nabakunahan nang libre ang Philippine ambassadors to Bahrain at Saudi Arabia.

Sinabi ni Philippine Ambassador to Bahrain Alfonso Ver sa isang online press briefing na nagbibigay ang Bahrain government ng libreng pagbabakuna sa lahat kabilang na ang mga overseas Filipino.

SHUKRAN JAZILAN BAHRAIN!

Posted by Alfonso Ver on Monday, December 28, 2020

Kamakailan nang opisyal na irehistro ng Bahrain ang COVID-19 vaccine ng Sinopharm ng China para sa public use.

Samantala, sa social media post ay ibinahagi naman ni Philippine Ambassador to Saudi Arabia Adnan Alonto ang mga larawan at video niya habang tinuturukan ng bakuna ng Pfizer.

https://www.facebook.com/adnan.alonto/posts/10225541795078608

Noong nakaraang buwan nagsimula ang Saudi Arabia sa kanilang COVID-19 vaccination campaign gamit ang Pfizer-BioNTech vaccine.

Ani Alonto, libre ang bakuna sa Saudi Arabia para sa lahat at hinikayat ang mga Pilipino na magrehistro sa Sehhaty app upang makapagpa-schedule ng pagpapabakuna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?