29

Jul 24, 2020 @ 15:23
By

Mga Pinoy komportable buhay bago COVID? Ravena binara si Roque

Sinopla ni Kiefer Ravena ang naging pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque na guminhawa ang buhay ng mga Pinoy bago ang COVID-19 pandemic.

Sa naging press briefing nitong Huwebes, binida ni Roque na bumaba ang bilang ng mga nagugutom na Pinoy sa panunungkulan ni Duterte, gayundin ang pagganda ng ekonomiya.

“Tandaan po natin na noong unang tatlong taon at kalahati ng Presidente, nagkaroon po tayo ng pinakamababang hunger figures, napakataas po ng ating growth, ng ating ekonomiya,” giit ni Roque.

“So sa tingin ko po, nagampanan po ni Presidente iyong mas komportableng buhay para sa lahat, medyo naantala dahil sa COVID,” aniya pa.

Hindi naman kumbinsido dito ang NLEX superstar, na aniya’y tila sa paningin lang ni Roque guminhawa ang buhay ng mga Pinoy.

“Uhmm. May nakikita ka atang hindi namin nakikita,” patama ni Ravena kay Roque.

https://twitter.com/i/status/1286162451638022146

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?