10

Mar 3, 2021 @ 20:04
By

Mga Pinoy hinikayat ni Duterte suportahan mga aktibidad para sa kababaihan

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sambayanan na makilahok sa mga adbokasiya at aktibidad para sa mga kababaihan.

Ang panawagan ay ginawa ng Pangulo sa selebrasyon ng National Women’s Month.

Mayroon aniyang mga ginagawang hakbang ang gobyerno para masigurong magkaropn ng pantay na access ang mga kababaihan sa edukasyon, mga oportunidad pang-ekonomiya, healthcare, social services at iba pa.

“I urge our people to participate in advocacies and activities that promote women empowerment,” anang Pangulo.

Kinilala rin ni Pangulong Duterte ang malaking papel ng mga kababaihan para sa pagkakaisa ng mga Pilipino.

Hinimok din ng Presidente ang publiko na magkapit-bisig para matiyak na napoprotektahan ang mga karapatan at pangangailangan ng kababaihan.

“Let us work hand in hand to address the needs of women and honor their immense contribution to society,” dagdag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?