156

Oct 31, 2017 @ 15:15

Mga Pinoy, hinikayat ni Duterte na maging susi sa pagbabago

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sambayanan na magnilay-nilay at isipin kung paano maging instrumento ng positibong pagbabago para sa bansa.

Sa kanyang mensahe sa pag-obserba ng Todos Los Santos, sinabi ni Pangulong Duterte na nakikiisa siya sa  lahat ng mga Pilipino sa pag-alala sa kanilang mga  namayapang mahal sa buhay .

Ang All Saints Day’ at All Souls Day’ ay sabay-sabay na  inoobserba ng mga Pilipino.

Hinimok ng Pangulo ang mga Pinoy na isipin kung paano maging mas mapaganda at mapahusay  ang bansa para sa mamamayan at para sa susunod  na henerasyon.

“As we pause to honor our dearly departed and our saints, let us reflect on how we can become agents of positive change in our society. Let us contemplate on how we can make our country and this world a much better place for ourselves and for future generations,” ang pahayag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na maraming mga leksiyong  dapat  matutunan at karunungang maaaring makuha sa  mga santo at sa mga yumaong mahal sa buhay.

Ayon pa sa Pangulo, ang kanilang mga nagawa ay  magiging paalala sa mga Pilipino na kaya ring gawin ng iba para magbigay ng pag-asa at maghatid  ng  saya  sa  maraming  mga  Pilipino. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?