60

Jul 15, 2021 @ 13:03
By

Mga Pinoy hakot awards sa World Universities Debating Championship

Humakot ng awards ang mga Pinoy debater sa finals ng World Universities Debating Championship (WUDC)  ngayong Huwebes.

Nakuha ni Dianne Ablay mula University of the Philippines Tacloban ang kampeonato sa Public Speaking, habang sinungkit naman ni Hans Wong ng De La salle University ang pagkilala bilang English-as-a-second language (ESL) Best Speaker.

Pinangalanan naman sina Verse Abellaneda at Charlette Inao bilang champion sa Masters Grand.

Nakakuha rin ng puwesto ang mga pambato sa Ateneo na sina Luigi Alcañeses, David Africa, Mikko Vitug at Ignacio Villareal sa best open speakers.

Ang WUDC ay ang tinuturing na pinakalamaking debating tournament sa buong mundo, ginawa ito ngayong taon online at hinost ng South Korea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?