24

By

Mga Pinoy fan ng K-Pop group iKON, todo sakripisyo para sa concert ticket

Sharing is caring!

Madaling-araw pa lang, sangkaterbang tao na ang mamamataan sa labas ng mga SM malls para sa tsansang makita ang kanilang mga iniidolo sa K-Pop boy group na iKON.

Pinasikat ang mga kantang ‘Love Scenario’, ‘Killing Me’ at ang pinakabago, ang ‘Goodbye Road’, ang 7-man group ay binubuo nina Jinhwan, Yunhyeong, Bobby, B.I, Donghyuk, Ju-ne at Chanwoo, na nakatakdang mag-concert sa ‘Pinas sa Nobyembre 11, Sabado, sa Mall of Asia Arena.

Ngayong araw ang simula ng ticket selling, kaya naman dinumog agad na mga iKONIC, tawag sa mga fan ng grupo, ang mga ticket selling booth para hindi mauubusan ng tickets kahit hindi pa tirik ang araw.

Ang iba ay natulog na sa pilahan para paniguradong makasikwat ng inaasam-asam na maki-jamming sa kanilang idols.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?