144

By

Mga Pinoy fan dismayado sa Reina Hispanoamericana

Hindi natuwa ang marami sa mga pageant fan nang hindi makapasok sa listahan ng mga pasok sa finals ang ating pambato na si Alyssa Muhlach Alvarez.

“Philippines left the group” ang pa-hanash ng mga netizen sa live streaming ng pageant, nang hindi marinig ang pangalan ni Alyssa sa mga finalist.

Mula halos 20,000 views bumaba sa 14,000 ang views ng live streaming.

Sa Twitter naman pinaabot din ng iba ang kanilang pagkadismaya, ngunit nagpasalamat pa din sa naging performance ng ating kandidata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?