29

By

Mga Pinoy ‘di pa nauumay kay Duterte – Bato

Ang record-high na excellent satisfaction rating na nakuha ni Pangulong Rodrigo Duterte sa latest Social Weather Station (SWS) Survey ay patunay lang na sang-ayon pa rin ang mga Pilipino sa kanyang performance, ayon kay Senador Bato Dela Rosa.

“It means that the Filipino people are very much satisfied with what the president is doing,” pahayag ni Dela Rosa, sa kanyang text message ngayong Miyerkoles, Enero 22.

Ayon pa sa dating Philippine National Police (PNP) chief, walang sinumang mas mahusay ng grupo ang maaaring sumukat ng performance ng Pangulo kundi ang taumbayan lamang.

“And there is no better group of people who can gauge his performance objectively other than the general public. Not the yellow opposition, not the bleeding hearts, and not the communists in particular,” sabi pa ng kaalyado ni Duterte.

Sa resuta ng bagong SWS survey, nakapagtala si Duterte na excellent net satisfaction rating na +72 sa fourth quarter ng 2019, pitong puntos na pagtaas mula sa dating “very good” +65 rating na nataila noong Setyembre 2019.

Nilagpasan ng kanyang bagong rating ang dating personal record-high na +68 na naitala noong second quarter ng 2019.

Sa 1,200 Filipino adults, 82 porsiyento ang nagsabing “satisfied” sila sa performance ni Duterte bilang chief executive habang 10 porsiyento ang “dissatisfied” at 8 porsiyento naman ang “undecided.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?