289
Mga pine tree sa Baguio pinaiimbentaryo ni Cimatu
Feb 18, 2019 @ 19:45
By

Mga pine tree sa Baguio pinaiimbentaryo ni Cimatu

Ipinag-utos ni Environment Secretary Roy Cimatu sa kanyang regional staff na magsagawa ng imbentaryo sa pine trees sa Baguio City matapos ang serye ng rehabilitasyon sa lungsod.

Ayon sa report ng Balitanghali, nagbigay na ng deadline na isang buwan ang kalihim para mabilang ang mga pine tree sa kilalang tourist spot.

Aniya, hindi pa umano kinakailangan ng malawakang rehabilitasyon sa Baguio pero dapat nang pagsikapan na makontrol ang pagkasira ng kalikasan dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?