470

Oct 1, 2019 @ 11:52
By

Mga Pinay, Chinese niligtas sa umano’y prostitution den sa Makati

91 babaeng Chinese at apat na Pilipina ang nasagip nang salakayin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang KTV bar na diumano’y prostitution den sa Barangay San Antonio, Makati City kagabi.

Inaresto din umano ng NBI ang apat na Tsino at apat na Pilipino na hinihinalang suspek sa trafficking ng mga biktima. Kakasuhan ang mga ito sa paglabag ng Republic Act 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.

Sabi ni NBI Anti-Fraud Division Executive Officer Atty. Jun Astreto, isang Tsino ang nagbigay ng tip sa ahensiya na ginagamit ang KTV bar bilang prostitution front.

Matapos ang dalawang-linggong paniniktik sa lugar ay nag-online booking ng Pinay ang isang NBI asset at lumusob na ang mga awtoridad nitong Lunes ng gabi, Setyembre 30, 2019.

Ilang condom ang nakakalat sa mga banyo, ayon sa mga awtoridad.

“They will give you a VIP room, where you can choose the women,” ani Astreto.

Ayon sa pulisya, namimili ang mga patron sa nakalinyang mga babae, na nilalako nang hindi bababa sa P15,000 kada isa.

Hindi rin umano pwedeng makapasok ang isang Pinoy customer nang walang kasamang Tsino.

Tatlong beses nakasagip ng mga dayuhang sex worker ang mga awtoridad sa buwan ng Setyembre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?