289

Mar 22, 2018 @ 12:47
By

Mga Pilipinong nakipag-diborsyo, papayagang magpakasal ulit

Aprubado na ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang nagpapahintulot na magpakasal ulit ang mga Pilipino na nakipag-diborsiyo sa dayuhang asawa.

Sa botong na 202 YES at 3 NO, pinagtibay sa Kamara ang House Bill 7185 na naglalayong kilalanin ang Foreign Decree of Termination of Marriage.

Aamiyendahan ng nasabing panukala ang Executive Order 209 o ang Family Code of the Philippines.

Kapag naging batas ang panukala, hindi na kakailanganin pa ng judicial recognition of a foreign decree of termination of marriage para muling makapag-asawa ang isang Filipino spouse.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang Filipino spouse ay ikinukunsidera na kasal kahit pa nakakuha na ng divorce decree sa kanyang bansa ang dayuhang asawa hanggang walang judicial decree of nullity of marriage sa korte ng Pilipinas.

Kapag naging batas ang panukala, sasakupin din nito ang mga kasal na idineklarang wala nang bisa sa ibang bansa kahit na nangyari ito bago naging epektibo ang bagong batas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?