9

By

Mga pier, bantay sarado sa Coast Guard ngayong Lenten season

Sharing is caring!

Sisimulan ng Philippine Coast Guard ang paghihigpit sa seguridad sa lahat ng pambansang daungan sa bansa at maging ang mga terminal ng ferry sa harap na rin ng paggunita ng bansa sa Lenten Season mula Marso 29 hanggang Abril 1, 2018.

Kaugnay nito, inatasan ni PCG Commandant Rear Admiral Elson Hermogino ang lahat ng Coast Guard units sa buong bansa na tiyaking ligtas at komportable ang mga paglalayag ng publiko na uuwi sa iba’t ibang lalawigan upang gunitain ang Mahal na Araw.

Inanunsiyo ni Rear Admiral Hermogino na mula Marso 25 hanggang Abril 1, 2018 ay nasa alert status ang lahat ng PCG unit sa buong bansa.

Inaatasan ni Hermogino ang lahat ng coast guard commander na higpitan ang pagpapatupad ng maximum security measures at panatilin ang regular na pagmamanman sa lahat ng daungan sa bansa.

Partikular na pinatututukan ni Hermogino ang pag-i-inspeksiyon sa mga bibiyaheng barko, ang pre-departure inspection lalo na sa bilang ng mga pasahero, mga dokumento ng barko gaya ng manipesto bago payagang makapaglayag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?