149
Mga PhilHealth exec, kawani na sangkot sa anomalya pinakakasuhan ni Digong
By

Mga PhilHealth exec, kawani na sangkot sa anomalya pinakakasuhan ni Digong

Pinakakasuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ang mga opisyal at kawani ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na sangkot sa anomalya at nakipagsabwatan sa paggamit ng pondo ng ahensiya.

Kasunod na rin ito ng ginawang pagbubunyag ng mga dating kawani na nagaganap na “overpayment” umano sa mga ospital kasabwat ang ilang taga-PhilHealth.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nakakabahala ang mga lumabas na ulat partikular na ang bogus kidney dialysis treatments.

Dahil dito pinagsusumite ni Pangulong Duterte si PhilHealth acting president Dr. Roy Ferrer ng detalyadong report kaugnay sa nabanggit na iregularidad.

“The President directs the management of the PhilHealth to institute criminal actions against those officials and employees who wittingly or unwittingly allowed such misuse of funds to take place for years,” ani Panelo.

Tiniyak ni Panelo na tutuldukan ng pamahalaan ang ganitong uri ng korapsyon para maayos na maipatutupad ang universal health care law.

Ayon pa kay Panelo, hindi paliligtasin sa pananagutan ang mga taong sangkot sa panloloko at tiniyak na haharapin ng mga ito ang pinakamataas na uri ng parusa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?