124

Nov 28, 2021 @ 14:08
By

Mga Pharmally exec sa Pasay City Jail ang bagsak

Inirekomenda ni Senate Sergeant-at-Arms Rene Samonte na tuluyan nang ikulong sa Pasay City Jail sina Pharmally Pharmaceutical Corporation director Linconn Ong at corporate secretary/treasurer Mohit Dargani.

Ito’y matapos muling tumangging ibigay ang detalye na kinaroroonan ng mga dokumento na nagsasaad ng financial statement ng kompanya.

Sa text message ni Samonte na ibinahagi ng Senate blue ribbon committee, nagawa pa ng mga Senate security na tanungin si Att. Roy Kapunan, abogado nina Ong at Dargani, kung nasaan ang mga dokumento subalit wala umano siyang alam.

“Hindi nakaalis kasi ayaw magbigay ng info kung saan pupunta. Hindi daw niya alam kung nasaan — office or warehouse or residence. He was told that they can go to all three, pero ayaw pa din. Ang sabi ni Mohit ay alam daw ni Atty Kapunan, kaya pinatawagan ko,” sabi ni Samonte.

“Muntik na daw mahulog ang lawyer sa upuan, kasi wala daw kaalam-alam si Atty Kapunan kung ano man ang mga documents na ‘yun. It seems wala talagang boxes and boxes of documents, or ayaw ilabas kung meron man,” dagdag pa nito.

Dahil dito inirekomenda ni Samonte sa liderato ng Senado na mag-isyu ng ‘transfer order’ para maipakulong ang dalawa sa Pasay City Jail.

“I recommend ituloy na ang transfer order ASAP. I will see and talk to them ‘pag may commitment order na to Pasay City jail,” sabi pa ni Samonte.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Senado sa pagbili ng COVID-19 supply ng ginawa ng Department of Budget and Management-Procurement Service noong 2020.

Ang Pharmally ang nakakuha ng mahigit P8 bilyong kontrata sa gobyerno para sa pagbili ng personal protective equipment na pinaniniwalaang overpriced. (Dindo Matining)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?