119

Sep 17, 2021 @ 14:04
By

Mga Pharmally exec nakabili ng mga luxury car

Kanya-kanyang bili ng mga mamahaling kotse ang mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation matapos makakuha ng kontrata sa gobyerno para sa pagbili ng COVID-19 medical supply noong 2020.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate blue ribbon committee, nabunyag na bumili ang corporate secretary ng Pharmally na si Mohit Dargani ng isang Porsche 911 Turbo na nagkakahalaga ng P8.5 milyon.

Si Twinkle Dargani, ang president ng Pharmally at kapatid ni Mohit, naman ay bumili ng Lamborghini Urus na nagkakahalaga naman ng p13 milyon.

Samantala, si Linconn Ong, ang director ng Pharmally na nakabili naman ng Lexus RCF na nagkakahalaga ng P5.9 milyon, isang Porsche Cayeta VR6 na nagkakahalaga sa pagitan ng P6.35 hanggang P8.85 milyon at Porsche Carerra 4S na nagkakahalaga ng P15 milyon.

Dumalo sa pagdinig ang mga nabanggit na opisyal ng Pharmally subalit hindi naman sila nagbigay ng komento.

Ang Pharmally ang nakakuha ng P8.6 bilyong halaga ng kontrata sa gobyerno para sa parbili ng perosnnal protective equipment (PPE), face mask, face shield at iba pang medically suplay na pininiwalaang “overpriced”.

Hiniling na rin ng komite sa Anti-Money Laundering Council na tingnan ang bank record ng Pharmally. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?