41

Mar 2, 2021 @ 16:31
By

Mga PH diplomat bawal na magbitbit ng Pinay kasambahay abroad – Locsin

Hindi na papayagan ang mga diplomatic officer na nakatalaga sa ibang bansa na magdala ng mga kasambahay nila sa kani-kanilang overseas post, ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Kasunod ito ng pangmamaltrato ni dating Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro sa kasambahay niyang Pilipina.

“DFA no longer allows domestic staff to go with officers assigned abroad. They must apply to POEA. I ceded full authority to it. POEA sets $400 or $600 as minimum salary deposited in domestic’s bank account plus other safeguards. It cannot happen again,” tweet ni Locsin, Pebrero 2.

Magugunitang noong Lunes ay inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsibak kay Mauro sa serbisyo at pagtanggal sa mga benepisyo nito, ilang buwan matapos mag-viral ang video kung saan makikita ang pangmamaltrato niya sa 51-anyos na Filipina domestic helper sa loob ng kanyang diplomatic residence sa Brazil.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?