4,202

By

Mga personalidad sa TV, film industry nagkaisa vs pagharang sa prangkisa ng ABS-CBN

Naglabas ng open letter ang samahan ng mga aktres, aktor, direktor, writer, music composer at iba pang production staff mula sa television at film industry tungkol sa “freezing” ng prangkisa ng ABS-CBN matapos ang expiration date nito sa Marso 2020.

Anila, umaasa sila na ang isyu na bumabalot dito ay dahil lang sa kawalan ng oras matapos mag-adjourn ang Kongreso noong Hunyo 11 at maaaring ihain ulit sa 18th Congress.

Tinukoy din nila ang lumabas na balita na kaya binakuran ang ABS-CBN franchise ay dahil sa reklamo umano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabiguan ng network na ipalabas ang paid advertisement niya noong kampanya.

Anuman umano ang isyu tungkol sa naturang campaign ad, naniniwala sila na dapat resolbahin legally ang isyu nang hindi naaapektuhan ang buong organisasyon.

Malaki rin anila ang ginagampanan ng mass media sa lipunan, sa araw-araw na pamumuhay ng mga tao at pinagkukunan din ito ng impormasyon, kaalaman at entertainment.

Ang pagkawala din anila ng isa sa iilan na lang na Mass Media organizations (TV/Radio) ay magkakaroon ng impact at magde-deprive sa mga tao na makapamili ng iba pang source ng free access sa impormasyon, kaalaman at entertainment.

May implikasyon din anila ito sa kanilang pamumuhay at mga pamilya kapag nagsara ang ABS-CBN dahil maraming mawawalan ng hanapbuhay.

Nanawagan din ito sa Kamara na itaguyod ang constitutional right to freedom of speech ng media/art organizations.

“It is, therefore, our hope and prayer that ABS-CBN shall weather this storm that has befallen upon the organization without losing its integrity; and the our good congressman/women in the House of Representatives shall consider the greater good while upholding the right of media/art organizations to decide the path it should take as part of its constitutional right to freedom of speech, of expression and of the press,” saad pa sa open letter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?