pera
By

Mga perang papel, barya kailangang baguhin – Duterte

Sharing is caring!

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang sumagot sa reklamo ng publiko kaugnay sa mga nakakalitong bagong disenyo at laki ng mga barya at salaping papel na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Sa ginanap na presentasyon ng mga bagong henerasyon ng perang papel at barya sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Duterte na kailangang gawin ito dahil ito ang nakasaad sa batas.

Layon aniya nito na mapahusay ang security features ng mga bagong salapi para hindi ito mapeke at para mapahusay ang katatagan nito.

“There is a need to change the design of banknotes and coins because the law requires us to do so. This is to enhance its security features as well as to prevent forging and improve durability. Initiatives like this are meant to promote public trust and confidence in our financial system,” anang Pangulo.

Nanawagan din si Pangulong Duterte sa BSP na pigilan ang mga iligal na aktibidad dahil nagiging balakid ito sa pagsusulong sa integridad ng salapi ng bansa.

Inatasan ng Pangulo ang BSP na paigtingin ang mga programa at kampanya laban sa mga namemeke ng salapi para maprotektahan ang mamamayan sa kalituhan at pandaraya ng mga sindikatong sangkot sa pamemeke.

“This is why I call on the BSP to stop illegal activities that impede our efforts in promoting the integrity of our currency. Intensify your [programs] against counterfeiting and conduct more campaign [drives] in order to protect our citizens from confusion and deceit,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

Hiniling din ng Pangulo sa publiko na tanggapin ang mga bagong serye ng mga barya at perang papel at maging matalino at responsable sa paggamit ng mga ito para sa pagsulong ng bansa.

Ang mga bagong barya ay may disenyo ng flora and fauna at iba pang simbolo na titiyak umano sa proteksiyon ng mga ito.

Matatandaang marami ang nalilito sa bagong limang pisong barya dahil halos kasing-laki ito ng lumang piso habang ang bagong piso ay medyo lumiit ng bahagya ang sukat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?