18

Jan 24, 2021 @ 16:47
By

Mga pekeng yosi nasabat sa Tawi-Tawi

Nasabat ng mga kawani ng Philippine National Police (PNP) Maritime Group ang mga pekeng sigarilyo sa Bongao, Tawi-Tawi kahapon.

Ayon sa PNP Maritime Group, nakatanggap sila ng balitang may mga container na darataing mula Malaysia papuntang Jolo.

Anila, lumubog umano ang sinasakyang barko na may dala ng mga container buhat ng masamang panahon.

“Nakita ko ‘yung tatlong container. ‘Yung dalawang container wala nang laman, pero ‘yung isa, may laman siya na sigarilyo, kalahati basa, kalahati wala na,” ani Police Lieutenant Colonel Gaylord Tamayo sa isang pahayag.

“Idi-distribute sa area ng… Zamboanga, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi,” dagdag pa niya.

Anila, peke rin ang mga nasabat na inismagel na yosi na nagkakahalaga ng P3 milyon.

“Ang package niya made in the Philippines pero hindi gawa sa Pilipinas. Malaking tax ang mawawala sa gobyerno,” sambit niya.

Anila, ibibigay nila sa Bureau of Customs ang mga nakumpiskang yosi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?