17

Feb 25, 2021 @ 19:54
By

Mga pekeng sigarilyo nasabat sa Makati

Kalaboso ang tatlong kelot matapos magbenta ng mga pekeng sigarilyo sa isang negosyante sa Makati City.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nanghingi umano ng tulong ang biktimang negosyante sa bantay-bayan ng Bgy. Tejeros dahil nagduda siyang peke ang sigarilyong nabili niya.

Aniya, nag-order siya ng siyam na kahon ng yosi noong Prebeo 15 at 16 sa suspek na nagkakahakaga ng P487,000.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nag-text pa ang mga suspek sa biktima at nag-alok kung nais pa bang dagdagan ng kustomer ang kanyang mga nabili.

Pumayag naman ang negosyante at nagpa-deliver ulit sa kanyang bahay.

Doon na rumesponde ang mga taga-barangay at isang kinatawan ng kumpanya ng sigarilyo para suriin kung totoo ba ang mga yosi.

Nang mapag-alamang peke nga ang mga ito, inaresto na ang tatlong suspek.

Nahaharap sa kasong estafa at paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines ang tatlong suspek.

Kasulukuyan nang tinutugis ng nga awtoridad ang supplier ng tatlong magkakasabwat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?