168
Mga PBA star nagbigay-pugay sa mga ‘ilaw ng tahanan’
By

Mga PBA star nagbigay-pugay sa mga ‘ilaw ng tahanan’

Ayon sa kasabihan, “Behind every successful man, there stands a woman.”

At sa espesyal na araw para sa ating mga ‘ilaw ng tahanan’, bumuhos ang pagbati sa kanilang mga mahal sa buhay.

Para sa bagong tatay na si Paul Lee, kanyang pinasalamatan ang asawang si Rubie dahil sa mga sakripisyo nito para sa kanilang pamilya.

“Happy Mother’s day Mommy @rubiechualee , maraming salamat sa sakripisyo mo sa pamilya natin mommy lalo na sa baby natin na si @tokyochualee sobrang saludo ako sayo lalo na sa pagiging ina kay Tokyo,” ayon sa ‘Angas ng Tondo’.

Kanya ring biniro ang asawa kung gusto na nitong sundan ang kanilang panganay.

“Baby no.2 na? Haha Mommy, sobrang proud ako sayo kung paano mo na bago yung sarili mo mula sa isang girlfriend material to a mommy material,” sambit ni Lee.

Short pero sweet naman ang naging pagbati ni Rain or Shine scorer James Yap sa kanyang partner na si Michela Cazzola sa dalawa nilang tsikiting na sina Jean Michael at Anielle Micaela.

“Happy Mother’s Day to the most wonderful Mother, I appreciate what you do everyday for our two beautiful children.,” anang Yap.

Si Kiefer naman, ibinida ang pagiging matatag ng matriarch ng Ravena family na si Mozzy, na kilalang pamilya ng mga magagaling na atleta.

“Happy mama’s day to the strongest person i know. You keep everything in perspective. Your patience and understanding is unbelievable. We will always appreciate the things you for us! We love you, @ravenamozzy,” saad ng NLEX guard.

No. 1 fan naman ang paglalarawan ni Mark Barroca sa kanyang kabiyak na si Ruselle dahil sa patuloy na pagsuporta nito sa manlalaro
“Happy Mother’s Day mahal ko. Thank you sa pag mamahal mo at pag aaruga mo sa anak natin. At thank you sa pag suporta sa pag lalaro ko lagi ikaw ang no.1 fan ko. We love you so much mahal ko,” mensahe ni Barroca sa asawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?