20

Sep 17, 2020 @ 19:00
By

Mga patay na isda bumulaga sa Manila Bay

Daan-daang patay na isda ang naglutangan sa Manila Bay nitong Huwebes ng umaga.

Ayon kay Regine Nequia, presidente ng Baseco Seaside Neighborhood Association, nasorpresa ang mga residente nang makita ang mga patay na isda sa Sea Wall area ng Manila Bay.

Agad daw itong tinanong ni Nequia sa mga mangingisda, ayon sa Facebook post ng Urban Poor Associates, isang non-government organization.

Pero first time raw iyong nakita ng mga mangingisda sa Baseco Sea Wall.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang sanhi ng insidente.

 

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?