22

Apr 6, 2021 @ 13:40
By

Mga pasyente tinago sintomas: 20 frontliner sa Antipolo nahawaan ng COVID

Sapol ng COVID-19 ang aabot sa 20 health worker sa isang ospital sa Antipolo City dahil sa mga pasyente na hindi inuulat ang kanilang tunay na sintomas.

Sa report ng DZBB, sarado ang mga emergency room ng Rizal Provincial Hospital System Annex 2 dahilan sa pagkalat ng COVID-19 sa naturang pagamutan.

Dahil dito’y nanawagan ang lokal na pamahalaan ng Antipolo sa publiko na dapat sabihin ang tunay na karamdaman sa tuwing magpapatingin sa mga health worker.

Inabisuhan din ang mga residente ng Antipolo na magtungo muna sa ibang ospital habang nakasarado ng isang linggo ang Annex 2.

Sa naturang siyudad, aabot na sa 5,912 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19, 577 dito ang active case.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?