45

Aug 12, 2021 @ 21:00
By

Mga pasyente sa Biñan, sa parking lot na nakahiga

Umabot na sa full capacity ang Ospital ng Biñan (ONB) sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lugar.

Sa mga larawang ibinahagi sa Facebook ni Mayor Arman Dimaguila, makikita ang mga pasyenteng nasa parking lot na ng ospital naka-confine.

“Hanggang parking lot na ho ang pasyente sa ating ospital,” pahayag ni Dimaguila.

Kaya pinaalalahanan niya ang mga residente na manatili na lamang sa bahay at huwag ding palabasin ang mga bata.

“Pagod na pagod na rin ho ang mga frontliners natin, tumataas ang positive. Dumadami ang namamatay, kahit mga bata,” saad niya.

Sa ulat, nilinaw ni ONB information head Rene Alpino, na mga pasyenteng walang COVID ang nasa parking lot nila.

Mga pasyente umano ito na nawalan ng lugar dahil inilaan ang ikatlong palapag ng ospital para sa mga COVID patient.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?