27

By

Mga pasyalan sa Baguio sarado muna

Sharing is caring!

Halos sarado ang lahat ng pasyalan patungong Baguio City matapos na hagupitin ng bagyong Ompong ang Cordillera Administrative Region (CAR) at masira ang ilang mga puno, habang hindi naman madaanan ang mga highway na sakop nito.

Base sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), karamihan ng mga national highways sa CAR ay apektado ng landslide kaya maraming kalsada ang hindi madaanan.

Hindi rin madaanan ang mga kalye sa Pangasinan at La Union na kung saan ay apektado rin ng tubig-baha bunsod ng pagbawas ng tubig sa San Roque Dam at pagkasira ng mga kalsada.

Kabilang sa mga sirang kalsada at sarado ay ang Asipuolo Halap-Amduntog Road, Mayoyao-Banaue Road na sarado dahil sa landslide, Barangay Poblacion road dahil sa clearing operations, Sitio Kiangan Village at Barangay Ucab road na sarado din.

Habang ang Tuba Kenon Road ay sarado dahil sa ginagawang tulay, Mankayan Palatong-Tabio Balili Provincial Road ay sarado dahil sa landslide sa Mankayan, Mountain Province-Ilocos Sur Road ay hindi na madaanan dahil sa landslide.

Bontoc-Banaue Road close, Pinukpok, Kalinga Barangay Limos Road dahil sa landslide, Tabuk City, Kalinga Tuga Bridge na nasira sa bagyong Ompong at Claveria-Calanasan-Kabugao Road na nasira din.

Ang mga tulay sa Benguet, Itogon, Benguet, Kalinga at Apayao ay nasira sa pananalasa ng bagyong Ompong.

Habang sa Pangasinan naman ay hindi madaanan ang Labrador Barangay Magsaysay National Highway dahil sa bumagsak na poste na nakaharang sa kalsada, Pangasinan-Zambales Road ay hindi madaanan dahil sa lubog pa rin sa baha, Pangasinan-Tarlac Road ay baha, baha rin sa Mangaldan-Manaoag-Binalonan Road.

Hindi rin madaanan ang Pangasinan-La Union Road dahil sa baha, ang Cayanga Bridge, San Fabian ay walang motorista ang makakalusot dahil sa pagbaha, Agoo-Baguio City Road mula Badiwan, Benguet hanggang Baguio City ay sarado ang lahat ng kalsada dahil sa pagkukumpuni ng DPWH.

Ayon naman sa NDRRMC, halos sarado ang lahat ng kalsada papanik at pababa ng Baguio kaya asahan na sarado ang mga pasyalan sa Baguio City maliban lamang sa mga nasa itaas na, na puwedeng maikot ang lungsod ngunit mahihirapan muna makabalik sa Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?