47

Mar 21, 2020 @ 11:06
By

Mga Pasig frontliner magba-bike na lang

Hindi na papayagan ni Pasig Mayor Vico Sotto ang pagbibiyahe ng mga tricycle para maghatid ng frontline government personnel at health workers sa nakatalagang ospital.

Sa halip, papayagan niya ang mga itong gumamit ng bisikleta.

Muling binuhay sa lungsod ang paggamit ng mga bisikleta. Muling magagamit ang Bike Share na una nang nilaan para sa mga nais na magbisikleta roon, at ngayon ay gagamitin naman ng mga frontline government personnel at health worker para pumasok sa trabaho at hindi na kailangang maghintay pa ng masasakyan.

Ito ay kaugnay sa maraming bumatikos sa alkalde kaugnay sa pagpayag niyang pabiyahiin ang mga tricycle para maghatid ng health workers at mga pasyenteng dadalhin sa ospital, dahil nawawala umano ang social distancing kapag sasakay ng trike.

Base sa report ng Pasig Transport, ang unang batch ng bikes ay nilabas na para magamit ng mga medical staff mula sa Pasig City General Hospital at security personnel ng Batas-Ciudad Enforcement Office (BCEO).

“We are temporarily repurposing the Pasig Bike Share units to help essential frontline government personnel and health workers get to work,” ayon kay Sotto sa Twitter.

Kasabay nito ang panawagang tumatanggap sila ng bike donation, luma man o bago, para magamit ng mga health worker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?