404

Mar 21, 2020 @ 15:26

Mga pasaway sa COVID-19 curfew kinulong na tila aso

Parang asong nagsisiksikan sa kulungan ang mga kabataang lalaki na hinuli matapos umanong lumabag sa curfew sa Barangay Gatid, Sta. Cruz, Laguna.

Pasado alas-10:00 ng gabi, Marso 16, nang sitahin ng mga barangay tanod ang isang menor de edad na mag-aaral at tatlo pang lalaki na papunta sa bahay ng kanilang kaibigan.

Dinala sila sa barangay hall, kung saan nila nakaharap ang nagalit na barangay captain na si Frederick Ambrocio, na siyang nagkulong sa mga ito sa dog cage.

Pinalabas lang umano sila ni Ambrocio matapos na magmakaawa sila rito.

Depensa naman ng kapitan, pinagmumura siya ng apat, na lango aniya sa alak at giniit na ‘di na sila menor de edad.

“Ang mga nasabing mga kabataan ay amin pong sinita para magsiuwian na. Sa madaling salita po, sila po ay tumangi sa aming pinag-uutos,” ani Ambrocio.

“Äko po, kami po ay humihingi ng paumanhin, pang-unawa at higit sa lahat ay respeto! Mula po sa akin at sa aming puso…Sorry po talaga sa mga nangyari,” sabi pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?