49

By

Mga pasaway na abogado, ipapa-diyaryo

Ilalathala sa mga pahayagan ang pangalan ng mga abogadong bigong makatugon sa mga kinakailangan sa mandatory continuing legal education o MCLE.

Ito ay matapos pagtibayin ng Korte Suprema ang resolusyon ng MCLE governing board na naguutos sa pagsasapubliko ng mga hindi sumusunod na abugado.

Sa resolusyon ng SC, isasapubliko sa hindi bababa sa dalawang pahayagan ang

pangalan ng mga abogadong bigong makatugon sa MCLE requirement.

Binigyan naman ng 60 araw ng SC ang mga itinuturong non-compliant lawyer mula sa petsa ng paglathala para magbigay ng patotoo sa kanilang compliance.

Binalaan pa ng SC ang mga abogadong bigong makatugon sa MCLE na ikokonsidera silang deliquent at hindi papayagang makapagsanay ng abogasya.

Ayon sa Bar Matter no. 850 ng SC, obligadong dumalo ang mga abogado ng hindi bababa sa 36 oras sa continuing legal education seminar kada tatlong taon.

Sa hiwalay naman na resolusyon, pinagtibay naman ng SC na malibre na mula sa MCLE ang lahat ng incumbent at retiradong miyembro ng hudikatura.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?