61
ABANTE-TNT-pasaway-pnp-bato-dela-rosa
Dec 19, 2017 @ 10:09
By

Mga pasaway lagot sa nationwide martial law – Bato

Bad people should beware at ang mga peace-loving people naman ay walang dapat ikatakot.

Ito ang naging pahayag ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa kapag nagdeklara ng martial law sa buong bansa.

Ayon kay Dela Rosa, ang Pangulo ang makapagpapasya kung idedeklarang nationwide ang Martial Law dahil siya ang commander-in-chief at hindi maaaring pangunahan.

“Hindi ko siya papangunahan. Anyway, takot na takot ba kayo sa martial law? Punta kayo sa Mindanao tanong kayo sa mga tao ru’n kung sila natatakot sa martial law. Wala man,” ani Dela Rosa na tumutukoy sa mga mamamahayag.

“My neighbors, friends, relatives will say wala namang pagbabago. Sa mga peace-loving people walang pagbabago kung may martial law o wala sa Mindanao. The same. Pero sa mga masasamang tao malaki ang epekto sa kanila,” wika pa ni Dela Rosa.

“Their movements are restricted. Their diskarte is limited at karamihan sa kanila nagtatago. ‘Yun ang epekto ng martial law sa Mindanao,” dagdag pa ng chief PNP.

Gayunman, binigyan-diin ni dela Rosa na kung siya ang tatanungin, magsasagawa muna siya ng assessment sa sitwasyon saka ito maglalabas ng rekomendasyon.

“When my subordinates, my regional directors, ay mag-recommend sa akin na sir, mas maganda siguro i-martial law na natin. It is my obligation to recommend it to the President,” ayon kay Dela Rosa. (Betchai Julian)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?