96

Oct 27, 2017 @ 13:38

Mga pasahero sa pantalan, bumuhos na

Naitala na sa 16,000 ang bilang ng mga pasaherong bumiyahe sa karagatan para sa pag-alala sa Araw ng mga Yumaong Mahal sa Buhay o Undas.

Mula alas-12:00 kaninang hatinggabi hanggang alas-sais ng umaga, umabot na sa 16,499 na outbound passengers ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon kay PCG spokesman Armand Balilo, sa bilang na ito, pinakamarami’y sa mga pantalan sa Central Visayas na may naitalang 7,049; sinundan ng Southern Tagalog 2, 826; Western Visayas, 2, 814; Bicol Region, 1, 405; sa Eastern Visayas, 1, 153; at Northern Mindanao na may 793 na mga pasahero.

Tiniyak ni Balilo na walang magaganap na pagkansela sa biyahe ng mga bapor, ngunit kanyang pinapayuhan ang maliliit na sasakyang pandagat na huwag pumalaot sa mga lugar na may gale warning tulad ng karagatan sa pagitan ng Samar at Sorsogon. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?