24

Mar 14, 2020 @ 18:10
By

Mga pasahero mula sa Metro Manila, bawal muna sa Marinduque

Nagpatupad na ng ban ang provincial government ng Marinduque laban sa mga biyahero na magmumula sa Metro Manila.

Naglabas na si Gov. Presbitero Velasco Jr., ng dalawang kautusan noong Marso 13 na magbabawal sa mga taga-Metro Manila na makapasok sa kanilang lalawigan.

Papayagan lang umanong makapasok sa Marinduque ang mga galing sa Metro Manila kapag hindi nakitaan ang mga ito ng sintomas ng virus.

Kaugnay nito, sinuspinde na ang mga klase mula Marso 17 hanggang Marso 20 dahil magdi-disinfect ng mga classroom at school facility.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?