120

Dec 29, 2017 @ 20:21
By

Mga pasahero, dagsa na sa mga pier

Higit triple ang itinaas ng bilang ng mga pasahero sa mga pantalan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong hapon kung ikukumpara kaninang umaga.

Base sa pinakahuling tala ng Philippine Coast Guard (PCG), umabot na sa kabuuang 77,138 ang bilang ng mga outbound passenger.

Mas marami ito kumpara sa 24,201 na naitalang pasahero sa mga pier kaninang umaga.

Pinakamarami rito ay naitala sa Northern Mindanao na may 8,220; ang South Eastern Mindanao ay may 8,099; South Western Mindanao ay may 3,893.

Dagsa rin ang mga pasahero sa Visayas: sa Western Visayas ay may 11,706; Central Visayas ay may 7,230; Southern Viasayas ay may 6,257 at Eastern Visayas ay may 4,450.

Sa National Capital Region, naitala naman sa 5,876 ang mga pasahero; Southern Tagalog ay 6,856; Palawan ay 4,661; Bicol ay 9,406 at North Western Luzon ay 381.

Ang buong puwersa ng PCG ay nasa ilalim ng heightened alert simula pa noong Disyembre 18, 2017 hanggang Enero 8, 2018 bilang bahagi ng pagpapairal ng “Oplan Biyaheng Ayos: Krismas 2017”.

Layunin nito na tiyakin ang kahandaan ng PCG sa inaasahang pagdagsa ng mga bibiyahe ngayong holiday season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?