30

Jul 15, 2021 @ 17:20
By

Mga parke, hanggang 50% capacity para sa bata – Abalos

Naglabas na ng pamantayan ang Metro Manila Council (MMC) tungkol sa mga dapat sundin sa mga lugar na maaaring puntahan ng mga bata.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, itinakda ng mga alkalde na 50% lamang ng kapasidad ng mga outdoor area at parke ang maaaring punuin ng mga bata.

“Importante po ang capacity, nakalagay po sa resolution na ‘yon na dapat huwag lumampas sa 50 percent na capacity. Bakit? Sapagkat baka maging superspreader ‘yung event,” wika ni Abalos nitong Huwebes.

Sa ilalim umano ng resolusyon ng MMC, ang mga parke ay lugar na walang dingding at bubong, gaya ng Luneta park sa Maynila.

“Amin po dine-define kung ano po ibig sabihin ng park kasi po ‘yung sa IATF parang ang great area po kasi eh. Parang definition ng parks sa IATF ay walang walls, walang bubong, parang Luneta park etc.,” pahayag ni Abalos.

“Mas minabuti natin i-define na ang park ay anything na walang bubong, al fresco, ‘yung ibigbsabihin po ng al fresco ay yung tuloy-tuloy ang hangin at maski may walls ibig sabihin po nito ay outside the malls,” dagdag pa niya.

Pahayag pa ni Abalos, kahit sa mga parke ay dapat pa ring masunod ang social distancing at pagsusuot ng face mask at face shield.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?