65

Sep 2, 2018 @ 10:19
By

Mga paring nangmomolestiya, ‘wag pagtakpan ng Simbahan – CBCP

Nanindigan ang mga Katolikong obispo sa bansa na hindi dapat nagkaroon ng pagtatakip sa mga kaso ng pang-aabuso na kinasasangkutan ng mga opisyal ng Simbahan.

Ang pahayag ay inilabas ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President at Davao Archbishop Romulo Valles kasunod ng mga ulat kaugnay ng sekswal na pang-aabuso ng isang kardinal sa Estados Unidos.

Ayon kay Valles, nasasaktan at nahihiya ang mga Simbahan sa eskandalo at ang sakit ay mas naging malala dahil sa pagtatakip sa mga pang-aabuso.

Nanindigan din si Valles na kinakailangang panagutin ang mga alagad ng simbahan na mapapatunayang nangmolestiya.

Aniya, ang kontrobersiya ay mainam na pagkakataon para muling balikan at pag-aralan ng simbahan ang umiiral na panuntunan laban sa kanilang mga alagad na masasangkot sa pang-aabuso.

“The present painful situation is a good occasion for us bishops to revisit and review the existing guidelines that we have for the protection of minors and vulnerable adults, and with renewed resolve and commitment to implement them and not cover them up,” bahagi ng statement ng CBCP.

Kasabay nito, nanawagan din ang CBCP sa mga Katoliko na magdasal at mag-ayuno.

“This is something that we can organize and do in our dioceses and parishes, in our religious communities, and in our BECs (Basic Ecclesial Communities),” dagdag ni Valles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?