65

Sep 17, 2021 @ 9:28
By

Mga parak na natigok sa COVID 113 na

Umabot na sa 113 ang naitalang bilang ng mga parak na nasawi dahil sa COVID-19.

Ito ay matapos maitala ang isang bagong natigok kahapon sa kawanihan ng PNP.

Samantala, tumaas naman sa 37,916 ang kabuuang bilang ng mga pulis na tinamaan ng virus matapos maitala ang 197 new COVID cases nitong Huwebes.

Bukod dito, naitala rin ang 224 bagong nakaligtas sa naturang virus. Sa kabuuan, 35,219 pulis na ang gumaling mula rito.

Kasalukuyang pumalo na sa 2,584 parak ang nagpapagaling mula sa virus. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?