18

Oct 4, 2021 @ 15:52
By

Mga parak bawal ikampanya kaanak – Eleazar

Inatasan ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang mga hepe ng pulis sa bansa na alamin ang mga parak na may kamag-anak na sasabak sa 2022 elections lalo na ang mga tatakbo sa lokal na posisyon.

Ani Eleazar, ito ay para idestino sa ibang lugar ang mga pulis na may kamag-anak na tatakbo sa kanilang nasasakupan.

“As part of our commitment to continuously isolate the PNP from partisan politics, I have already instructed all chiefs of police to start the accounting of their respective personnel whose relatives have already filed the COC or would certainly run for public office in the May elections. The purpose is to possibly re-assign them eventually in other areas outside the cities, municipalities, and provinces where relatives of our personnel would seek elective posts,” ani Eleazar.

Kaugnay rin umano ito ng ilang ulat na may mga pulis na kinakampanya ang kanilang mga kaanak at nagsasagawa ng partisan politics.

“This is to ensure that any of our personnel would not be given the opportunity to intervene and likewise prevent speculations and allegations in the future that the PNP is engaging in partisan politics, especially at the local level,” dugtong pa ng PNP chief. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?