27

Nov 24, 2021 @ 15:23
By

Mga papaturok mula Nob. 29 – Dis. 1 ‘di mamarkahang absent

Sa bisa ng Proclamation 1253 na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ay maaaring lumiban sa trabaho ang mga empleyado sa tatlong araw na Bayanihan, Bakunahan National COVID-19 Vaccination Day nang ‘di mamarkahan bilang absent kung kabilang sila sa mga magpapaturok.

Batay sa proklamasyon, sakop nito ang mga empleyado ng publiko at pribadong sektor.

Gayunman, para ‘di mamarkahang absent sa trabaho ay dapat ipresenta pagbalik sa opisina o trabaho ang katibayan na nagpabakuna.

Sa national vaccination day na gaganapin mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, target ng pamahalaan na makapagturok ng 15 milyon katao sa buong bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?