43

Jul 19, 2021 @ 16:04
By

Mga panukalang batas sa buwis ihihirit sa SONA – Salceda

Inaasahan ni House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda na ihihirit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) ang pagpasa ng Kongreso sa mga nalalabing panukala sa pagbubuwis.

Ayon kay Salceda kailangan ang mga panukala upang madagdagan ang kinikita ng gobyerno na kailangan para mapondohan ang mga mahahalagang proyekto.

“We also believe President Duterte will emphasize the need to create new revenue streams. Some weeks ago, he mentioned the strategic importance of a well-regulated gaming sector to economic and fiscal recovery,” sabi ni Salceda.

Isang linggo matapos ang SONA, umaasa si Salceda na maaaprubahan na ang Kamara de Representantes at Senado ang bagong bersyon ng pagbubuwis sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Naipadala na rin umano ng Kamara sa Senado ang panukalang pagbubuwis sa e-Sabong.

Ayon kay Salceda nasa Senado na rin ang panukalang Real Property Valuation and Assessment Reform Act (RPVAR), at Passive Income and Financial Intermediaries Taxation Act (PIFITA).

Magiging mahalaga rin umano ang pagpasa ng Foreign Investments Act, Public Service Act, at Retail Trade Liberalization Act (RTLA) sa paghikayat ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa na makalilikha ng dagdag na mapapasukang trabaho.

“If we are to legislate the rest of President Duterte’s fiscal and economic reforms, we also need to enact the 2022 budget early. That gives us time to discuss and approve other measures,” wika pa ni Salceda.

Aasikasuhin naman umano ng komite Salceda ang pagpasa ng Fiscal Regime for Mining, Ease of Paying Taxes Act, Motor Vehicle Road Users’ Tax, at Excise Tax on Single Use Plastics.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?