42

Sep 7, 2021 @ 16:07
By

Mga panukala na magpapalakas sa health system ng bansa umusad

Inaprubahan ng House Committee on Health ngayong Martes ang panukala na palakasin ang traditional at complementary medicine sa bansa at bumalangkas ng regulatory system para labanan ang mga pekeng gamot.

Binigyan-diin ng chairperson ng komite na si Quezon Rep. Angelina Tan ang kahalagahan na pataasin ang estado ng panggagamot sa bansa lalo ngayong mayroong pandemya.

Sa ilalim ng House Bill 9160 ay aamyendahan ang Traditional and Alternative Medicine Act of 1997 (Republic Act 8423) sa pamamagitan ng pagpapalawak ng ligtas na pamamaraan ng panggagamot.

Pag-iisahin ng Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care (PITAHC) ang mga regulasyon kaugnay ng traditional at complementary medicine at magtatayo ng one-stop-shop para sa pagkuha ng lisensya o permiso ng mga practitioner at operator ng mga health care facility.

Ayon naman sa House Bill 4779, babalangkas ng matatag na regulatory system upang malabanan ang bentahan ng pekeng gamot na nagdudulot ng panganib sa lipunan.

Sinabi ni Tan na ang Special Law on Counterfeit Drugs (Republic Act 8203) ay inaprubahan mahigit 20 taon na ang nakakaraan at panahon upang amyendahan at palakasin ito.

“The continuing real threat that counterfeit pharmaceutical products present to health, to the security of our children, our family and, in general, to the prosperity of our community cannot be overemphasized. It cannot be denied that we are faced by a rapidly growing flood of illegal and dangerous pharmaceutical products,” sabi ni Tan.

Sa ilalim din ng panukala ay ituturing na economic sabotage ang paggawa, pag-angkat, pagbebenta at pamimigay ng mga pekeng gamot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?