114

Jul 20, 2021 @ 21:21
By

Mga pangako noong kampanya natupad ni Duterte – Panelo

Nagawang matupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga pangako sa kampanya na layong magdala ng komportableng buhay sa lahat ng mga Pilipino, ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

“‘Yung mga pangako ni Presidente, ito ay naisalubong at natupad,” pahayag ni Panelo sa kanyang commentary show na “Counterpoint” nitong Martes.

Kabilang aniya sa mga nagawa ni Pangulong Duterte ang pagpirma sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law, Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018, Philippine System Identification System Act at Rice Tariffication Law.

Dagdag niya, hinahabol din ng administrasyong Duterte ang electronic governance o e-governance upang maiwasan ang face-to-face transaction.

“Puro technology na ang ginagamit natin. Hindi na kailangang face-to-face pakikipagtransaksyon mo sa gobyerno,” sabi pa ni Panelo.

Binanggit din niya ang napabuting imprastraktura sa bansa dahil sa “Build, Build, Build” program ng gobyerno.

Patuloy din aniyang pinapahalagahan ng mga Pilipino ang pagsisikap ni Pangulong Duterte dahil nananatiling mataas ang trust at approval ratings sa mga survey ng punong ehekutibo.

“Nananatili ang administrasyong Duterte na ‘yung kanyang mga pangako bago naupo si Presidente Duterte eh natupad niya,” patuloy ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?