494

Dec 30, 2017 @ 11:46

Mga panabong na manok kinatay, pinakain sa mga pulis

Kinatay ng Kandal provincial police officers sa Cambodia ang may 92 manok na panabong na nakumpiska nila sa pagsalakay sa isang sabungan na pugad ng iligal na sugal na pinapatakbo ni Thai Phany, pamangkin sa manugang ni Prime Minister Hun Sen.

Sa report ng AFP, sinabi ni Roeun Nara, Kandal provincial deputy police chief, na matapos nilang matanggap ang utos mula sa korte ay kinatay nila ang 92 manok na panabong na nakumpiska sa pagsalakay.

Ayon kay Nara, kinatay ang mga manok at ipinakain sa mga pulis nila.

Pirmado ni Hok Vanthyna, direktor ng Kandal Provincial Court, ang kautusan kung saan nakasaad na mahal ang magagastos kung aalagaan ang mga manok at baka magamit pa ang mga ito sa mga sabong.

Ang pinagsanib na pagsalakay ng pulis at militar sa iligal na aktibidad ni Phany nitong Disyembre ay nagresulta rin ng pagkakadakip sa may 100 katao at pagkakumpiska ng higit 50 na sasakyan at 200 motorbikes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?