154

Dec 30, 2017 @ 18:54
By

Mga pabrika ng paputok sa Bulacan, pumasa sa labor standards

Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na karamihan naman sa mga pagawaan ng mga paputok sa Bulacan ay pumasa sa labor standards.

Ito ay base sa isinagawang occupational safety and health inspections maging sa mga tindahan ng mga paputok.

Ayon sa kagawaran, sa 67 tindahan na binisita ng labor inspection officers sa Bocaue, Bulacan, 61 ang nakasunod naman sa safety standards.

Ang inspections ay ipinag-utos ni Labor Sec. Silvestre Bello III para tiyakin na maayos at ligtas ang mga manggagawa sa mga pabrika at tindahan ng mga paputok.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?